Pagpapatrol: Pinaabot

Malayo ang byahe, pero maikli ang oras. Ang pupuntahan–Tagaytay. Ang pinanggalingan–Quezon City. Ang hinahabol–live report sa Bandila.

Tapos na ang TV Patrol nang tiniyak ng grupo ang sunod naming lakad. Naka-set up pa kami sa New Manila, nakabantay sa demolisyon doon. Dalawang oras para humabol.

Biyernes na. Suwelduhan. At makikipagsiksikan pa kami sa mga pauwing sasakyan sa South Luzon Expressway. Na lalong sumikip sa bandang Sucat at Bicutan dahil sa nasagasaang kotse.

“Best effort” lang ang paniguro namin sa nag-aalalang opisina.

Naghanda pa naman ang pupuntahan namin. Naipaalam na ng reporter sa resto-bar doon ang aming pupwestuhan. Tatayo dapat si Apples Jalandoni sa live habang may bandang tumutugtog sa likod.

Pero, live man o hindi, mas kailangang umere. Tampok namin ang night life sa lungsod bilang una sa serye ng mga pwedeng gimikan sa pagtapos ng linggo.

“Committed” na ang segment, kaya binawi ang live. Paabutin na lang ang voiceover nila Apples. Kahit hindi na magset up ang van sa Tagaytay mismo.

Nakipagkita na lang kami ng grupo niya sa isang gasolinahan sa Sta. Rosa, Laguna, pagkalabas ng SLEx.

Mag-aalas-onse na kami nagsimulang mag-edit. Dahil partikular sa bidyo yung VO, mas naging madali pumili ng ipapasok na shot.

Simula muna sa pamilyar na sipat doon. Tapos isa-isahin na ang mga lugar: mga open air na pasyalan, ang resto-bar sa dulo ng burol, at ang lumang bahay na kainan.

Nagsisimula na ang Bandila ng 11:30 nang ipadala namin sa base ang natapos na VO. Umabot din.

Tsokolate at malaking “thank you” mula sa reporter at sa opisina ang inuwi namin.

Katapusan na naman ng isang linggo ng paghahabol at pagpapaabot.

Higher toll bad for Tagaytay, report by Apples Jalandoni for Bandila, August 13, 2010

(pindutin para panoorin)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s